Ika-2 plebesito para sa BOL, inaasahan din na magiging tahimik at maayos

Kumpiyansa ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mapapanatili pa rin ng pulisya at militar ang maayos at tahimik na ikalawang plebesito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa lalawigan ng Lanao del Norte at North Cotabato sa Pebrero a sais.

Ginawa ni DIlG Secretary Eduardo Año, kasunod ng matagumpay na unang plebesito na idinaos sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Isabela City at Cotabato City.

Bagaman at may ilang isolated na kaso ang naitala sa Cotabato City pero sa kabuuan ay maayos na naipatupad ang halalan.


Gayunman sinabi pa ni Año na hindi pa rin dapat na magpakampante ang mga otoridad sapagkat may mga kaso pa din nang pananakot sa mga guro.

Kaya hinihikayat nito ang PNP na ipagpatuloy ang kanilang pagmamatyag at pagbabantay at ituloy ang paghihigpit sa seguridad hanggang sa susunod na plebisito.

Una nang nagpaabot ng papuri ang DILG Chief sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa maayos na paglalatag ng seguridad.

Facebook Comments