May petsa na ang ikalawang paghaharap nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.
Matapos ang kanyang State of the Union Address kaninang tanghali, inanunsyo mismo ni Trump na magaganap ang second summit nila ni Kim sa February 27 at 28.
Layon ng makasaysayang paghaharap ng dalawa na pag-usapan ang hinggil sa denuclearization para sa inaasam na kapayapaan sa Korean peninsula.
Samantala, sa talumpati ni Trump kanina, inisa-isa niya ang mga accomplishment ng kanyang administrasyon partikular ang pagbaba ng unemployment sa Amerika, paglikha ng 5.3 milyong mga bagong trabaho at pagkakaroon ng maraming kababaihan sa workforce.
Binanggit din niya ang pagkakasundo nila ni Chinese Pres. Xi Jinping tungkol sa pagpapatigil muna sa pagpapataw ng taripa sa kani-kanilang produkto sa loob ng 90 araw.
Kinondena din niya ang aniya ay brutal na pamamahala ni Venezuelan President Nicolas Maduro.
At sa pambihirang pagkakataon, kalmado ring hinikayat ni Trump ang mga republicans at democrats na magkaisa.
Si US President Donald Trump sa kanyang ikalawang State of the Union Address.