Ika-2 US-NoKor summit, may lokasyon na

May lokasyon na kung saan idaraos ang ikalawang pagpupulong nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un sa Pebrero.

Ito ang kinumpirma ni trump pero tumanggi muna siyang ibulgar kung saan ito.

Una nang lumutang ang ulat na naghahanda ang Vietnam para sa pag-host ng summit na posible raw mangyari sa kabisera ng bansa sa Hanoi.


Hunyo ng nakalipas na taon nang unang nagkita ang dalawang kontrobersyal na lider sa makasaysayang pulong na nasaksihan sa Singapore.

Facebook Comments