Ika-21 Bakuna Center ng PRC, binuksan sa Ilocos Norte

65

Binuksan na ng Philippine Red Cross (PRC) ang Bakuna Center nito sa Ilocos Norte noong September 16.

Ito na ang ika-21 Bakuna Center na binuksan ng PRC.


Makikinabang rito ang mga residente ng bayan ng San Nicholas at mga kalapit na lugar.

Sa unang araw pa lamang ng operasyon nito ay nasa 399 indibidwal na kaagad ang nabakunahan ng mga staff ng Red Cross at kanilang volunteers mula sa PRC Ilocos Norte Chapter.

Bukod dito, nasa 3,055 indibidwal din ang nabakunahan ng PRC sa tulong ng kanilang Bakuna Centers at Bakuna Buses kahapon, September 18.

Sa kabuuan, aabot na sa 233,142 indibidwal ang nabakunahan sa 21 Bakuna Centers at 16 na Bakuna Buses ng PRC sa buong bansa.



Facebook Comments