Ika-21 NEDA Board Meeting sa Malacañang, gaganapin ngayong araw

PHOTO: Presidential Communications Office

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ika-21st National Economic and Development Authority (NEDA) Board Meeting ngayong araw.

Magsisimula ang pulong dakong alas-2:00 nang hapon sa Ceremonial Hall sa Malacañang.

Sa naunang NEDA Board Meeting nitong Agosto, inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pagtataas ng gastos at extension ng implementasyon ng Metro Manila priority bridges seismic improvement project.


Sa ilalim nito ay mas patatatagin pa ang Lambingan Bridge sa Maynila at Guadalupe Bridge sa boundary ng Makati at Mandaluyong City, para maihanda sa pagtama ng malalakas na lindol.

Bukod dito, tututukan din ang modernisasyon ng Laguindingan International Airport para sa episyenteng pagbiyahe na magpapalakas ang ekonomiya sa Mindanao.

Samantala, bago naman ang nakatakdang pulong mamayang hapon, ay pangungunahan muna ni Pangulong Marcos ang 2023 Presidential Mineral Industry Environmental Award Ceremonial Awarding ngayong alas-9:00 nang umaga.

Facebook Comments