Ika-22 batch ng Pinoy repatriates mula Macau, ikinakasa ng konsulada ng Pilipinas

Nag-anunsyo ang Philippine Consulate General sa Macau para sa mga Pilipino roon na nais sumailalim sa serye ng kanilang repatriation.

Partikular ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa Macau dahil sa pandemya.

Ayon sa konsulada, nananatiling bukas ang kanilang pagpapatala para sa OFWs na nais sumabay sa repatriation flights.


Sa ika-21 batch ng Pinoy repatriates mula sa macau, 205 ang dumating sa bansa.

Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sasagutin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang gastusin ng repatriates sa swab testing, hotel quarantine at transportasyon.

Facebook Comments