IKA-27 CITYHOOD ANNIVERSARY NG SAN FERNANDO CITY, LA UNION, GINUNITA

Ipinagdiwang ng San Fernando City La Union ang ika-27 Anibersaryo ng pagiging ganap na lungsod kahapon. Sa naging talumpati ng alkalde, hinimok nito ang publiko na magtulungan upang sabay-sabay na umangat sa buhay.

Ilan sa mga nakalinyang aktibidad ang cycling, pageant, folk dance competition, banca carera at pagtitipon ng mga Civil Society Organization sa lungsod.

Nagpatupad din ng pinaigting na seguridad ang kapulisan sa kasagsagan ng selebrasyon na magtatagal bukas. Sa pagdaraos ng kapistahan ngayong taon, umaasa ang opisyal sa pag-unlad pa ng lungsod para sa mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments