Inihain na rin sa Korte Suprema ang ika-27 na petisyon laban sa Anti-Terrorism Law.
Ang mga petitioner ay pinangunahan ng Center for International Law Inc. at Foundation for Media Alternatives Inc., Democracy.Net.Ph, Vera Files Inc., at kilalang mamamahayag na si Ellen Tordesillas.
Sa kanilang Petition for Certiorari and Prohibition, hinihiling nila sa Korte Suprema na mag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa kontrobersyal na batas.
Partikular na tinukoy ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI) para maihinto na ang pagpapairal ng batas.
May mga probisyon din anila ang batas na labag sa Konstitusyon, gaya ng mga karapatan sa Freedom of Speech, Right of People to Peaceably Assemble at iba pa.