Maghahain ngayong araw ang grupo ng mga journalist, lawyers at human rights defenders ng ika-27 petisyon sa Korte Suprema para ipawalang-bisa ang Anti-Terrorism Law.
Sa statement, sinabi ng Center for International Law Inc. (CenterLaw), magpa-file sila ng petition for certiorari and prohibition kung saan hinihiling nila sa kataas-taasang hukuman na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) o preliminary prohibition injunction.
Giit ng grupo, ang mga nilalaman ng Anti-Terrorism Law ay salungat sa minamandato ng 1987 Constitution.
Nilalabag nito ang fundamental rights, tulad ng right to freedom of speech, right to freedom of peaceful assemble, at right to freedom of association.
Nais nilang maglabas ang Korte Suprema ng TRO para ipagbawal ang law enforcement agencies tulad ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang National Bureau of Investigation (NBI) mula sa pagpapatupad ng batas.
Ang iba pang petitioners ng coalition ay kinabibilangan ng Foudation for Media Alternatives (FMA), Democracy.net.ph, Vera Files, at ilang indibidwal tulad ng mamamahayag na si Ellen Tordesillas, abogadong si Romel Regalado Bagares, at mga law professors ng Lyceum of the Philippines University.