IKA-28 DTI NEGOSYO CENTER SA PANGASINAN, PORMAL NG BINUKSAN SA BAYAN NG NATIVIDAD

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Pangasinan ang Negosyo Center-Natividad ngayong buwan ng Pebrero.
Base sa datos ng DTI Pangasinan, ito ang ika-28 Negosyo Center sa lalawigan kung saan magiging katuwang bayan ng Natividad sa pagsusulong ng kadalian sa pagnenegosyo at pagpapadali ng access sa mga serbisyo para sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).
Ang pagtatatag ng Negosyo Centers ay sa ilalim Republic Act No. 10644, na mas kilala bilang “Go Negosyo Act” na naglalayong palakasin ang MSMEs upang lumikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho sa bansa.

Dumalo sa naturang paglunsad sa makabagong gusaling ito ang mga kinatawan ng DTI Region I na sa Regional Director Grace Falgui-Baluyan, Pangasinan Provincial Director Natalia Basto Dalaten katuwang ang ilang mga matataas na kawani ng Lokal na pamahalaan ng Natividad. | ifmnews
Facebook Comments