Ika-28 na anibersaryo ng kabayanihan ni Gat Jose Rizal, ginugunita ngayong araw

Ginugunita ngayong araw ang 128 anibersaryo ng kabayanihan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Bagama’t nakararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan mula kaninang madaling araw ay natuloy pa rin ang seremonya sa Rizal Park, sa lungsod ng Maynila.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang flag raising ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal kasama sina National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Chairman Regalado Jose Jr. at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner, Jr.

Sinaksihan din ito ni First Lady Liza Araneta Marcos, at ang kaniyang mga anak na sina Cong. Sandro Marcos, Simon Marcos, William Vincent Marcos at iba pang opisyal ng gobyerno.

Ngayong taon, ang seremonya ay may temang “Rizal sa Bagong Pilipinas: Buhay at Aral Aming Nilalandas.”

Matapos din ng seremonya ay didiretso ang Pangulo sa Rizal Park Open Air Auditorium para mamahagi ng pamasko sa mga mahihirap nating kababayan kasabay ng paggunita sa Rizal Day.

Facebook Comments