Umaabot na sa 29 ang kabuuang mga petisyon na inihain sa Korte Suprema laban sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Law.
Kaninang umaga, nagtungo sa Korte Suprema sa Padre Faura sa Maynila ang mga abogadong miyembro ng National Union of People’s Lawyers-National Capital Region (NUPL-NCR) para ihain ang Petition for Certiorari and Prohibition, na humiling ng Temporary Restraining Order (TRO) at Preliminary Injunction laban sa Anti-Terrorism Act.
Pinadedeklara rin nila na “null and void” ang buong batas o Republic Act. 11479 o ang Anti-Terrorism Act.
Kabilang sa petitioners ay mga lider ng Sangguniang Kabataan at iba pang youth groups mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Una nang inanunsyo ng Korte Suprema na posibleng sa ikatlong linggo ng Setyembre, simulan na ang oral arguments para sa naunang mga petisyon kontra Anti-Terror Act.