Ika-30 kaso kaugnay ng Dengvaxia, isinampa sa DOJ

Manila, Philippines – Isinampa sa DOJ ng Public Attorney’s Office ang ika-tatlumpung kaso may kaugnayan sa Dengvaxia vaccine.

May kaugnayan ito sa pagkamatay ng 12 anyos na si Kristel Jean Magtira ng Candaba, Pampanga.

Sa inisyal na diagnosis ng mga doktor ay aneurism ang sanhi o pagputok ng ugat sa ulo ni Kristel.


Sinabi naman ni Dr. Erwin Erfe, pathologist ng PAO na ang nakita nila sa utak ng bata ang isa sa matinding kaso ng internal bleeding na nakita nila sa mga biktima ng Dengvaxia.

Facebook Comments