IKA- 31 NG OKTUBRE, IDINEKLARANG SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Oktubre 31, 2022, bilang isang special non-working holiday.
Ito ang inihayag ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil sa isang press briefing araw ng Martes, ika-18 ng Oktubre.
Ayon kay Garafil, “The President has signed the Proclamation declaring October 31 as a special non-working holiday, para na rin po marami tayong time kasama ang ating pamilya at para ma-promote na rin po ang ating local tourism”. | ifmnews
Facebook Comments