Cauayan City – Tagumpay na naganap sa lungsod ng Cauayan ang ika-33 North Luzon Area Business Conference ng Philippine Chamber of Commerce.
Ang nabanggit na conference ay naglalayong mapagtipun-tipon ang mga investors at mga entrepreneurs upang makita at maipakilala sa kanila ang mga serbisyo at produkto ng mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) mula sa iba’t-ibang mga lalawigan sa buong Rehiyon Dos.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, maaaring makakuha o makapanghikayat ng potential investors ang mga local MSME’s na makatutulong upang mas makilala at mapaunlad pa ang kanilang produkto at serbisyo.
Inaasahan rin na sa pamamagitan ng nabanggit na Business Conference ay mas dadami pa ang mga negosyante na gustong mamuhunan hindi lamang sa lungsod ng Cauayan kundi sa buong lambak ng Cagayan.