Ika-33rd balikatan joint exercises sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano, aaarangkada na sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Aarangkada na sa susunod na buwan ang ika-33rd balikatan joint exercises sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.

Sa kabila ito ng mga naunang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Estados Unidos.

Ayon kay US Embassy Press Attache Molly Koscina, itinakda ito sa Mayo 8 hanggang 19 kung saan magkakaroon pa ng mga community activities sa isla ng Panay, Leyte at Samar.


Aniya, layon ng balikatan na mapaigting pa ang kakayahan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.

Tututok din ang pagsasanay sa humanitarian assistance at disaster relief operations gayundin ang pagsugpo sa terorismo kung saan magsasagawa ng mga live fire exercises.

Ngayong taon, imbitado naman ang Australia at Japan bilang mga observer.
DZXL558

Facebook Comments