Inaasahang magiging prayoridad ang mga maliliit na bansa o small-island nations sa Pacific region sa oras na magsimula na ang operasyon ng Loss and Damage Fund.
Ito ang pahayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga sa gitna na rin ng paghahanda ng Pilipinas para sa ika-apat na pulong ng Fund Board na gaganapin sa Maynila sa Disyembre ngayong taon.
Naunang ginanap ang ikalawa at ikatlong pagpupulong ng Board sa South Korea noong Hulyo.
Ang lupon ay binubuo ng 26 na miyembro mula sa mga bansa sa ilalim ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) at Paris Agreement.
Sa kabuuang bilang, ang 12 na miyembro ay mula sa mga mauunlad na bansa, habang ang 14 naman ay mula sa mga developing countries kung saan kabilang ang Pilipinas sa Asia-Pacific Group ng Fund Board.