Ika-4 na SONA ni PBBM, umani ng papuri mula sa mga kongresista

Screenshot from RTVMalacañang

Ikinatuwa ni CIBAC Party-list Representative Bro. Eddie Villanueva na kasamang tinutukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ang isyu ng korapsyon sa flood control program.

Pinuri naman ni Manila 3rd District Representative Joel Chua na isinulong ni PBBM sa katatapos na SONA ang patungkol sa pananagutan at paglaban sa korapsyon.

Para naman kay Bohol 3rd District Representative Kristine Alexie Tutor, malinaw, may malasakit at para sa mga mahihirap ang SONA ni PBBM na tumalakay sa public health, social services, housing, at public works.

Ikinalugod naman ni Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado-Revilla ang pagsisikap ni Pangulong Marcos na mapagtapos ng kolehiyo o vocational ang isang miyembro ng bawat pamilya gayundin ang pagtalakay sa mga isyu ng seguridad sa pagkain, pagtugon sa sakuna, at krisis sa transportasyon.

Tiniyak naman ni Quezon City District V Representative PM Vargas ang paghahain ng mga panukalang batas na susuporta sa mga binanggit ni PBBM sa SONA para sa kabuhayan, kalusugan at edukasyon.

Buo naman ang suporta ni Navotas Representative Toby Tiangco sa direktiba ni Pangulong Marcos na imbestigahan ang mga flood control projects ng pamahalaan dahil panahon na aniya para panagutin ang mga tiwaling nakinabang at pinagkakitaan ang mga proyektong dapat sana ay para sa ating mga kababayan.

Facebook Comments