Manila, Philippines – May dagdag-presyo na naman sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Epektibo sa Martes, magpapatupad ng P0.50 hanggang P0.60 na dagdag sa kada litro ng diesel ang mga kumpanya ng langis.
Maglalaro naman sa P0.20 hanggang P0.30 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.50 hanggang P0.60 sa kerosene.
Ito na ang ikaapat na sunod na linggong nagkaroon ng oil price increase ngayong Enero.
Bukod sa pagmahal ng presyo ng langis sa world market, ilang gasolinahan na rin ang nagpataw ng dagdag na dalawang pisong fuel excise tax sa ilalim ng TRAIN law.
Kaya kung pagsasamahin ang taas-presyo at dagdag-buwis, mahigit P5 na ang iminahal ngayon ng diesel, P4.50 sa gasolina at higit P3 sa kerosene.
Facebook Comments