
Nasa Malaysia na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para dumalo sa Ika-46th ASEAN Summit hanggang bukas, May 27.
Magsisimula ang unang aktibidad ng summit o ang ASEAN Leaders and Family photo session dakong 8:30 nang umaga.
Susundan naman ito ng ASEAN Summit Plenary at Retreat, at iba pang aktibidad kasama ang mga ASEAN leaders.
Kasama ng Pangulo sina First Lady Liza Marcos, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Cristina Roque, Precidential Communication Office (PCO) Secretary Jay Ruiz, at Mindanao Development Authority Secretary Leo Magno.
Ayon sa Pangulo, tatalakayin niya ang mga isyung panrehiyon at pandaigdig, kabilang ang usapin sa South China Sea at kung paano tutugon sa bagong patakaran ng taripa ng Amerika.
Isusulong din ng Pangulo ang pangako ng Pilipinas sa makatao at responsableng paggamit ng artificial intelligence.
Samantala, habang nasa Malaysia ang Pangulo, sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, at Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang pansamantalang caretaker ng bansa.









