Tuloy ang aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes sa gitna ng nararanasang epekto ng Bagyong Pepito sa bansa.
Pangungunahan ng pangulo ang ika-apatnapu’t siyam na National Prayer Breakfast sa Malacañang ngayong umaga.
Ang Philippine National Prayer Breakfast ay inilunsad noong 1975 nina dating Senate President Gil Puyat at Atty. Francisco Ortigas Jr.
Sa pagtitipon na ito ay nagsasama-sama ang mga lider ng pamahalaan, business sector, at iba’t ibang pananampalataya upang humingi ng gabay sa Panginoon para sa bansa.
Magsisimula ang programa alas-8:00 nang umaga, na dadaluhan din nina Executive Sec. Lucas Bersamin, Philippine National Prayer Breakfast Foundation Inc. Spiritual Adviser at Retired Chief Justice Reynato Puno, PNPB Foundation Inc. Chairman Bishop Justice Raoul Victorino, PNPB Foundation Inc. President Jose Villanueva, at iba pang opisyal, obispo, at pastor.