IKA-5 NG ABRIL, IDINEKLARANG SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY SA PANGASINAN

Idineklarang special non-working Holiday ang ika-5 ng Abril sa lalawigan ng Pangasinan.

 

Base ito sa Proclamation No. 848, series of 2025 na inilabas ng Malacañang, kahapon.

 

Ang proklamasyon ay naglalayong bigyang daan ang mga Pangasinense na makiisa at magdiwang sa ika-445 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan.

 

Sa nasabing araw, inaasahang magdaraos ang Pamahalaang panlalawigan ng iba’t ibang aktibidad bilang paggunita sa makasaysayang pagkakatatag ng Pangasinan at pagpapahalaga sa mayamang kultura, tradisyon, at kontribusyon ng mga mamamayan nito sa kasaysayan ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments