Ika-5 SONA ni Pangulong Duterte, kasado na mamayang hapon

Muling haharap sa buong bansa si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).

Inaasahang babanggitin ng Pangulo ang mga napagtagumpayan ng kanyang administrasyon at ilalatag ang mga plano bago magtapos ang kanyang termino sa 2022.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaasahang magbibigay ang ulat si Pangulong Duterte hinggil sa naging epekto ng COVID-19 pandemic sa bansa at mga ginagawang hakbang ng pamahalaan hinggil dito.


Ilalahad din ng Pangulo ang COVID-19 recovery plan ng pamahalaan.

Para kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, inaasahang ipiprisenta ng Pangulo ang ilang programang nakatuon sa ilang public health concerns tulad sa kalusugan, pagkain, edukasyon, trabaho at iba pa.

Ang SONA ni Pangulong Duterte ay ilalabas sa direksyon ng TV at Movie director na si Joyce Bernal.

Nasa 15 cabinet secretaries at 50 mambabatas lamang ang papayagang pumasok sa Batasang Pambansa.

Walang private media ang pwedeng mag-cover sa loob ng Kamara, tanging Presidential Broadcast Staff – Radio Television Malacañang lamang ang pinahintulutan na i-cover ang event.

Gaganapin ang SONA ng Pangulo mamayang alas-4:00 ng hapon.

Facebook Comments