Ika-52 na anibersaryo ng NPA ngayong araw, mahigpit na binabantayan ng PNP

Mahigpit na pinababantayan ni Philippine National Police (PNP) Chief Pol. Gen. Debold Sinas ang pagdaraos ng ika-52 na anibersaryo ng New People’s Army ngayong araw.

Inatasan ni Sinas ang lahat ng mga Police Commander na ilagay ang kanilang kahandaan sa full alert at offensive mode.

Ayon kay PNP Director for Operations Pol. Maj. Gen. Alfred Corpus, sinabihan ng PNP Chief ang kanilang mga tauhan na palakasin ang kanilang counter insurgency operations at siguruhing hindi makapaghahasik ng karahasan ang mga rebelde lalo na sa mga kampo ng pulisya.


Samantala, inihayag naman ni PNP Spokeman Pol. Brig. Gen. Ildebrandi Usana na iniimbestigahan na rin nila kung sino-sino ang nasa likod naman ng mga kabaong na nakita sa ilang bahagi ng Metro Manila kagabi.

Una kasi rito, viral sa social media ang ilang mga kabaong na nakita sa Rotonda ng Timog Avenue sa Quezon City gayundin sa Guadalupe, Makati kung saan makikita ang mukha ni CPP-NPA at NDF founding Chairman Jose Ma. Sison.

Facebook Comments