Cauayan City, Isabela- Naitala ang ika-anim na kaso ng pagkamatay sa bayan ng Bontoc, Mountain Province may kaugnayan sa COVID-19.
Base sa inilabas na Memorandum Order 66-2021 ng LGU Bontoc, isang 39-anyos na lalaki o MP-746 at Bontoc 364 na residente ng Market Compound, Barangay Poblacion na kalauna’y nanatili sa Luis Hora Memorial Regional Hospital ang binawian ng buhay dahil sa kanyang comorbidities.
Dahil ditto, nagpatupad ng house lockdown ang lokal na pamahalaan sa lugar kung saan naninirahan ang naturang pasyente kung kaya’t agad na inilibing ang bangkay.
Samantala, ipinatupad naman ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Barangay Caneo na tatagal hanggang Pebrero 16.
Sa kasalukuyan, nasa 165 ang aktibong kaso ng Bontoc na siyang may pinakamataas na bilang mula sa ibang mga bayan ng probinsya habang nasa 11 na ang kabuuang naitalang namatay sa probinsya.