Ika-6 na kaso ng COVID-19 naitala sa bansa, Code Red Sublevel 1 itinaas na ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umabot na sa anim ang cases sa bansa.

Ito ay matapos mag positibo ang misis ng ikalimang biktima ng nasabing sakit.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, stable ang kondisyon ng 59 anyos na babae na ngayon ay nagpapagaling sa Research Institute of Trofical Medicine o RITM.


Inatasan na ni Health Secretary Duque ang Contact Tracing Team na alamin kung sino ang mga nakasama ng nagpositibo sa COVID-19.  Ito ay para mapiligan ang tuluyang pag kalat ng nakakamatay na sakin sa bansa.

Samantala itinaas na ng DOH ang Code Red Sublevel 1 habang rerekomenda nila sa Pangulo ang pag dedeklara ng State of Public Emergency.

Facebook Comments