Ika-7 palapag ng Pasig City Hall, isinailalim sa lockdown

Inirekomenda ng Pasig City Council na isailalim sa 14-day lockdown ang ika-pitong palapag ng Pasig City Hall kahit walang naiulat na mga empleyado na maaaring nahawaan o nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa inilabas na Memorandum ni Elvira Flores, Hepe ng City Human Resource Office, sinabi nito na iniutos ni Pasig Mayor Vico Sotto ang nasabing pagsasara batay na rin sa rekomendasyon ng Konseho dahil sa nakatanggap sila ng impormasyon na may mga empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.

Nakasaad sa naturang memo na hinihikayat ang lahat ng mga kawani sa nasabing mga opisina na mag-work-from-home na lamang sa loob ng dalawang linggo upang matiyak na hindi maantala ang mga gawain gamit ang internet, telepono, mga mobile phone at iba pang transaksyon.


Facebook Comments