Ika-71 anibersaryo ng Radio Mindanao Network, naging matagumpay; DZXL 558 Radyo Trabaho team, nasagawa ng stickering promo at namimigay ng bigas sa mga motorcycle, riders, taxi at jeepney drivers sa QC

Naging matagumpay ang pag-aarangkada ng stickering promo, at pamimigay ng bigas sa mga motorcycle, riders, taxi at jeepney drivers sa Quezon City kasabay ng ika-71 anibersaryo ng Radio Mindanao Network Inc. at ika-5 anibersaryo naman bukas ng DZXL 558 Radyo Trabaho.

Kabilang sa mga nakatanggap ng giveaways ng DZXL 558 Radyo Trabaho Team sa ika 71 Anibersaryo ng RMN ay sina:
• Armando dela Cruz, taxi driver,
• Joey Torres, jeepney driver biyaheng Project 2 at 3-TM Kalaw Ermita Manila
• Ariel Rolloda tricycle driver
• Nelson Almoguerra, jeepney driver

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga pampublikong driver sa ginawang pamamahagi ng bigas, mug, wall clock, t-shirt at marami pang iba ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa 71st Anniversary ng RMN dahil malaking tulong anila ang ipinamahaging bigas dahil sa sobrang taas na ang presyo bigas sa mga palengke.


Facebook Comments