Ika-79 na anibersaryo ng “Battle for Manila” mula sa mga Hapon noong World War II, ginugunita ngayong araw

Ginugunita ngayong araw ang ika-79 na anibersaryo ng “Battle for Manila” o labanan para sa pagpapalaya sa Maynila mula sa mga Hapon noong World War II.

Kung saan pinangunahan nga ito ni Manila Mayor Honey Lacuna.

Ayon kay Lacuna, nakamit ng bansa ang kadakilaan at kayalaan kung kaya dapat lamang na magpasalamat ang mga Pilipino sa ating mga bayani.


Aniya, dapat umanong gamitin ang kabayanihan nila bilang inspirasyon sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

Samantala, dumating din ngayong araw ang mga kinatawan at embahada mula sa China, Australia at United Kingdom.

Facebook Comments