Magsasagawa ng simpleng seremonya ang mga lokal na pamahalaan sa Eastern Visayas kasabay ng paggunita ngayong araw ng ika-8 anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda.
Dahil dito, suspendido ang lahat ng opisina ng gobyerno maging ang klase sa lahat ng bayan sa Llorente, Giporlos at Hernani sa Eastern Samar; Tanauan, Palo, Tolosa, Hindang, Hilongos, Bato, Palompon at Matalom sa Leyte province at ang city of Tacloban.
Nagsagawa naman ng misa sa San Joaquin parish sa Palo kaninang umaga na nasa harap lamang ng Yolanda memorial mass grave.
Kasama rin sa programa ang pagsisindi ng 300 kandila ng mga residente sa San Joaquin Yolanda memorial site, na siyang pinakamalaking libingan sa lugar.
Ang bagyong Yolanda ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas kung saan libo-libo ang nasawi at nasugatan.