Ika-8 kaso ng polio sa Mindanao, kinumpirma ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang ikawalong kaso ng polio sa Mindanao.

Ayon sa DOH, isang siyam na taong gulang na batang babae mula sa Basilan ang ikawalong nagpositibo sa  polio virus.

Kinumpirma ng DOH na nagpositibo ang biktima sa isinagawang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine at National Institute of Infectious Diseases – Japan.


Ayon sa DOH, walang anomang natanggap na polio vaccine ang naturang pasyente.

Una nang na-confine sa Cotabato Regional Medical Center ang tatlong iba pang pasyente na tinamaan ng polio.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao – Ministry of Health para mapalawak pa ang coverage ng immunization program ng pamahalaan.

Inilabas ng DOH ang kumpirmasyon sa pinakabagong kaso ng polio kasabay ng ikalawang bugso ng kanilang “Sabayang Patak Kontra Polio” ngayong araw na tatagal hanggang sa December 7.

Facebook Comments