Ika-8 taas-presyo sa produktong petrolyo, ipapatupad bukas

Muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula bukas, Pebrero 22.

Ito na ang ika-walong sunod na taas-presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Magtataas ang ilang kompanya ng langis ng P0.90 hanggang piso sa kada litro ng gasolina habang P0.50 hanggang P-.60 naman sa diesel, at P0.40 hanggang 0.50 sa kerosene.


Ipapatupad ng Caltex ang taas-presyo epektibo mamayang alas-dose ng hatinggabi; habang ang Shell, Seaoil, at Petro Gazz naman ay bukas ng alas-sais ng umaga; at ang Cleanfuel ay alas-kwatro ng hapon.

Bagama’t may taas-presyo, ay nakitang humupa nang kaunti ang increase ng produktong petrolyo sa world market.

Facebook Comments