IKA-81 ANIBERSARYO NG LINGAYEN GULF LANDINGS, GINUNITA SA PANGASINAN

Ginunita sa Lingayen, Pangasinan ang ika-81 anibersaryo ng Lingayen Gulf Landings bilang pag-alala sa makasaysayang pagdaong ng mga allied forces noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagbigay-daan sa pagpapalaya ng Hilagang Luzon.

Kasabay ng paggunita ang ika-19 na Veterans Day, na dinaluhan ng mga World War II veterans, foreign war veterans, at mga kasapi ng unipormadong hanay bilang pagkilala sa kanilang naging papel sa pagtatanggol sa kalayaan at soberanya ng bansa.

Isinagawa ang seremonya sa pangunguna ng pamahalaang panlalawigan, kasama ang mga kinatawan ng Department of National Defense, Philippine Veterans Affairs Office, at Philippine Veterans Bank.

Sa okasyon, binigyang-diin ang makasaysayang kahalagahan ng Lingayen Gulf Landings at ang patuloy na pagpapahalaga sa ambag at sakripisyo ng mga beterano sa kasaysayan ng Pilipinas.

Facebook Comments