Magkakaroon ng ika-9 sunod na taas-presyo sa langis sa pagpasok ng Marso.
Nasa P0.90 hanggang P1 ang taas-presyo sa gasolina, at nasa P0.70 hanggang P0.80 naman ang taas-presyo ng diesel at kerosene.
Una nang nagbabala ang ilang eksperto na magpapatuloy ang taas-presyo ng langis sa harap ng krisis at tensiyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Nagbabadya rin ang P10 hanggang P15 taas-presyo sa liquefied petroleum gas.
Facebook Comments