Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakumpleto na ang isa pang health facility sa Muntinlupa City na nabuo sa tulong ng pribadong sektor.
Ayon kay Public Works Secretary Mark Villar, ito ay ang ika-9 na “We Heals as One Center” sa Filinvest Tent sa Alabang sa Muntinlupa City.
Nakatakdang i-turnover ang nasabing quarantine center sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa Miyerkoles, May 13, 2020.
Kanina, ininspeksyon na ito ng mga opisyal ng DPWH, BFP, Office of Civil Defense at ng iba pang opisyal.
Ang Filinvest Tent “We Heal as One Center” ay may 108 bed capacity at pangangasiwaan ito ng OCD at ng BFP.
Nabuo ang nasabing proyekto sa tulong ng Filinvest Development Corporation, EEI Corporation at ng Villar Group of Companies.