Idineklara ng palasyo ang araw ng ika-9 ng Pebrero, 2024 bilang isang special non-working holiday.
Sa bisa ng Proclamation No. 453, Series of 2024, na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. walang pasok sa nasabing araw upang bigyang daan ang pagseselebra sa Chinese New Year ng mga Pilipino at sa pakikiisa sa mga kapatid ng Chinese sa kanilang selebrasyon.
Ang naturang holiday ay epektibo sa buong bansa kung saan inatasan din ni Pangulong Marcos ang ahensyang Department of Labor and Employment na magpatupad ng circular kaugnay sa naturang proklamasyon.
Samantala, ang araw ng ika-9 ng Pebrero ay araw ng Biyernes kung saan tatlong araw na walang pasok ang mga Pilipinong manggagawa sa gobyerno at diskresyon na ng mga iba pang mga kompanya. | ifmnews
Facebook Comments