Muling nasilayan ng mga Daang daang deboto ang orihinal na imahen ng Our Lady of Manaoag sa pagdiriwang ng ika-99 na Coronation Feast Day kahapon.
Hindi naging hadlang ang ulan na naranasan sa lalawigan sa pagdagsa ng mga deboto na dumalo sa banal na misa at prusisyon sa mga pangunahing lansangan ng Manaoag.
Pinangunahan ni Bishop of Diocese of Baguio Most Rev. Rafael Cruz ang misa katuwang ang iba pang Dominican and Diocesan Fathers kasabay ng unveiling coat of arms ng imahen hanggang sa pagsakay ng imahen sa kanyang carroza bago ang prusisyon.
Ang feast day ng koronasyon ng imahen ay isa lamang sa mga selebrasyon kung kailan ibinababa sa altar ang orihinal na imahen tuwing Abril o Mayo bukod pa sa pagdiriwang ng Most Holy Rosary Month tuwing Oktubre.
Nauna nang isinagawa ang siyam na araw ng Novena mula April 28 hanggang May 6.
Kaugnay nito, tiniyak ang seguridad sa aktibidad sa deployment ng mga security personnels kabilang ang pagpapatupad ng Truck Ban sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments