Ika-anim na araw ng COC filing sa Quezon City, isa pa lang ang naghahain ng kandidatura para sa pagka-alkalde —Comelec QC

Sa ika-anim na araw ng paghahain Certificate of Candidacy (COC) sa local Comelec district sa Amoranto Sports Complex, naging matumal ang paghahain ng COC para sa pagkakonsehal kung saan isa lang ang naghain hanggang sa mga oras na ito.

Naghain kanina ng COC si Roland Manansala ng Barangay Sto. Kristo sa District 1.

Ayon sa Comelec QC, mula day 1 to 6, nasa 47 na ang bilang ng mga naghain ng COC sa pagkakonsehal.


Sa District 1, nasa 12 ang naghain ng COC as pagkakonsehal.

District 2- 5

District 3- 7

District 4- 10

Disteict 5- 6

Disteict 6- 7

Matatandaang sa unang araw ng filing, nakapaghain ng COC si Mayor Joy Belmonte para sa muling pagtakbo bilang alkalde ng lungsod.

Kahapon naman, nag-file ng COC ang radio broadcaster na si Ronald Jota para hamunin sa mayoralty race si Belmonte.

Inaasahan naman na tataas pa ang bilang ng mga maghahain ng COC sa mga susunod na araw lalo na sa October 8 na huling araw ng COC filing.

Sinabi ni Belmonte na masyado pang maaga upang sabihing wala siyang makalalaban dahil hindi pa nagtatapos ang COC filing.

Facebook Comments