Kasunod na ito ng matagumpay na pakikipag-ugnayan sa pangunguna ng Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) kasama ang pamunuan ng Pangasinan State University (PSU) Lingayen Campus.
Layon ng BTFIH na palawigin pa ang bamboo industry sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga kagamitang gawa sa kawayan.
Isa pa sa layunin nito ay ang pagpapalakas ng lokal na kabuhayan, sa pagbubukas ng iba’t-ibang oportunidad hatid sa mga Pangasinenses.
Ito na ang ikaanim na BTFIH sa buong Pilipinas.
Bahagi ng programa ay ipinakita ng mga kawani ng PTRI kung paano ang proseso mula sa produktong kawayan patungo sa kung paano ito magiging isang sinulid na siyang gagamiting panghabi ng nais na buuing materyal.
Samantala, personal na dinaluhan ang launching ng Bamboo Fiber Hub ni DOST Secretary, Dr. Renato U. Solidum, Jr., DOST-Philippine Textile Research Institute Director, Dir. Julius L. Leaño, Jr., DOST Region I Director Dr. Teresita A. Tabaog, at nagpaabot din ng suporta at pasasalamat ang PSU officials sa liderato ni President Dr. Elbert Galas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







