Ika-anim na LEDAC meeting, pinangunahan ni Pangulong Marcos ngayong umaga

Nagpapatuloy ngayon sa Malacañang ang ika-anim na Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC meeting.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pulong kasama sina Senate President Chiz Escudero at House Speaker Martin Romualdez.

Inaasahang sesentro ang pulong sa pag-apruba sa mga panukalang batas na isasama sa common legislative agenda at priority bills ng administrasyon.


Matatandaang sa nakaraang LEDAC meeting noong Hunyo ay napag-usapang maisama sa panukalang batas ang Archipelagic Sea Lane Act, Reforms to Philippine Capital Market, at ang pag-amyenda sa Foreign Investors Long Term- Lease Act at Agrarian Reform Law.

Samantala, matapos naman ang pulong ay haharap sa media sina Escudero at Romualdez para idetalye ang napag-usapan sa LEDAC meeting.

Facebook Comments