Dumating na rin sa bansa ang ika-apat na batch ng Pinoy repatriates mula Gaza City.
Sila ay binubuo ng 13 Filipino nationals at anim na Palestinians.
Pitong menor de edad din ang kasama sa nasabing flight.
Kinumpirma naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na apat na pamilya ang kasalukuyang tinutulungan ng pamahalaan na mahanapan ng matitirahan sa Pilipinas.
Ang naturang mga pamilya kasi ay walang tahanan na matutuluyan sa kanilang pamamalagi sa bansa.
Facebook Comments