Ika-apat na linggo ng Nobyembre, idineklara ni Pangulong Duterte bilang National Bicycle Day

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-apat na linggo ng Nobyembre bilang National Bicycle Day.

Nilagdaan ng Pangulo ang Proclamation 1052 kung saan inaatasan ang Department of Environement and Natural Resources (DENR) sa tulong ng non-government organizations at civil society groups na pangunahan ang mga aktibidad sa taunang okasyon.

Nakasaad sa proklamasyon na kailangang ipakita ang kahalagahan ng non-motorized transportation bilang paraan ng pagsusulong ng sustainable development at environmental health para na rin sa physical health at well-being ng lahat ng Pilipino.


Matatandaang suportado ng pamahalaan ang pagkakaroon ng bike lanes sa mga kalsada sa Metro Manila para mahikayat ang mga tao na magbisikleta lalo na at limitado pa rin ang transportasyon bunga ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments