Ika-apat na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Nov. 10, sesentro sa 8.3 magnitude na lindol na may kasamang tsunami scenario

Tututok sa 8.3 magnitude na lindol na may kasamang tsunami ang senaryo sa isasagawang 4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ng pamahalaan sa Nov. 10.

Isasagawa ang pilot drill sa Parañaque City sa pangunguna ng lokal na pamahalaan sa Nobyembre a-diyes ng alas nuwebe ng umaga.

Sesentro ang senaryo kung saan tumama ang 8.3 magnitude na lindol na may kasamang tsunami sa mga coastal community.


Dito masusubok aniya ang contingency plan ng LGU sa pagharap sa pagtama ng tsunami, pagsasagawa ng evacuation, water search-and-rescue at air rescue capabilities ng Philippine National Police, Philippine Coast Guard, at Philippine Air Force

Ang aktibidad ay bilang pag-obserba rin sa World Tsunami Day ngayong araw, November 5.

Bunsod nito, nanawagan si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Raffy Alejandro sa publiko, academic institutions, businesses, private at government offices na makilahok sa nasabing earthquake drill.

Facebook Comments