Ika-apat na relief flight, ikinasa sa stranded OFWs sa Myanmar

Naging matagumpay ang ika-apat na relief flight sa mga stranded na Pilipino sa Myanmar.

Ang stranded Overseas Filipino Workers (OFWS) ay isinakay sa Myanmar Airways International mula Yangon patungo ng Manila.

Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Yangon na magpapatuloy ang kanilang repatriation efforts sa iba pang Pinoy doon na nais nang umuwi ng Pilipinas.


Samantala, dumating na rin sa bansa ang 312 na OFWs mula sa Qatar, kabilang dito ang distressed Pinoy workers doon.

Facebook Comments