Ika-apat na round ng peace talk, magtatapos na ngayong araw

Manila, Philippines – Magtataposna ngayong araw ang ika-apat na round ng peace talks sa the Netherlands.
 
Inaasahang magbibigay ngjoint statement ang gobyerno at ang Communist Party of the Philippines, NewPeople’s Army at National Democratic Front of the Philippines kung saansasabihin ng pamahalaan ang pangako nitong palayin ang dalawangpu’t tatlopolitical prisoners.
 
Kasabay nito, inamin ngmagkabilang panig na naging mahirap ang ginawa nilang negosasyon.
 
Pero nilinaw ni FidelAgcaoili, NDFP Peace Panel Chairperson, na ang joint interim ceasefire ay hindinangangahulugan ng tigil putukan.
 
Paliwanag ni Sec. Jesus Dureza,Presidential Adviser on the Peace Process, pag-uusapan pa kasi ang magigingguidelines at ground rules ng joint interim ceasefire para matuloy na angbilateral ceasefire.
 
Ayon naman kay CPP ChairmanJose Joma Sison, bagama’t nagkaisa ang magkabilang panig na iisa lang angmaaring maningil ng buwis, pag-uusapan lang ito kapag binuo na angcomprehensive agreement on political and constitutional reform kasabay ngpanukalang federalismo.
 
 Photo from: MAKABAYAN
 

Facebook Comments