Ika-apat na SONA ni PBBM, magiging simple lang sa harap ng pananalasa ng kalamidad

PHOTO: Presidential Communications Office

Iniutos ni Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez, na siyang House speaker ng 19th Congress, na gawing simple ang pagdaraos ng ika-apat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, July 28.

Ayon kay Iloilo First District Representative Janette Garin, nais ni Romualdez na dapat magsilbing halimbawa ang Kamara at iwasan ang magarbong SONA na mistulang “fashion show” ng mga mambabatas.

Dagdag pa ni Garin, binanggit ni Romualdez na ang pondong matitipid sa magarbong SONA ay mainam na ilaan na lang sa pangangailangan ng pamilyang Pilipino lalo na ang mga naapektuhan ng nagpapatuloy na pananalasa ng kalimidad.

Sinabi rin ni Garin na base sa pulong ay tuloy ang SONA sa Lunes sa Batasan Pambansa Complex kahit masama ang lagay ng panahon dahil base sa weather forecast ay hindi naman magiging malakas ang ulan kaya makabibiyahe pa rin si Pangulong Marcos Jr.

Facebook Comments