IKA- DALAWAMPU’T SIYAM NA NEGOSYO CENTER SA PANGASINAN NG DTI, NAKATAKDANG ILUNSAD NGAYONG BUWAN NG MARSO

Nakatakdang buksan ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang isa pang Negosyo Center sa bayan ng Mapandan sa darating Marso 16, 2023.
Sinabi ni DTI-Pangasinan provincial director Natalia Dalaten na naging posible ang pagtatayo ng Negosyo Center sa bayan ng Mapandan sa pamamagitan ng suporta at inisyatiba ng local government unit.
Aniya, ang Negosyo Center sa bayan ang magiging ika-29 na Negosyo Center na itatatag sa Pangasinan bilang pagsunod sa Republic Act 10644 o mas kilala sa tawag na “Go Negosyo Act”.
Ayon pa sa opisyal, sa pamamagitan ng establisyementong ito ay mailalapit pa sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) kaya napakagandang oportunidad umano ito para sa mga business owners na hindi na nila kailangang lumabas ng kanilang bayan upang magkaroon ng access sa mga serbisyo ng DTI.
Layunin din ng Negosyo Centers na isulong ang kadalian ng pagnenegosyo.
Samantala, umiiral na ngayon ang Negosyo Centers sa Pangasinan na matatagpuan sa Alaminos City, Anda, Bolinao, Lingayen, Bugallon, Mangatarem, Bayambang, Sta. Barbara, Calasiao, San Carlos City, Dagupan City, Mangaldan, San Fabian, Urdaneta City, Binalonan, Laoac, Rosales, San Quintin, Umingan, Tayug, San Nicolas, Balungao, Burgos, Bani, Basista, Pozorrubio, Infanta and Natividad.
Facebook Comments