Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa lungsod, bubuksan na sa darating na linggo ang panibagong quarantine facility ng pamahalaang panglungsod.
Ito ang ika-limang HOPE facility na ilalagay sa Talipapa Senior High School building.
Ito ay may 67 bed capacity na laan para sa mayroong for mild at asymptomatic cases.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, gagamitin ang pasilidad para maasikaso ang mga pasyente na walang kakayahang mag self-isolate sa kanilang mga bahay.
Samantala, magbubukas naman ang Quezon City General Hospital ng 336 bed quarantine facility sa loob ng compound nito at tatawagin itong HOPE 4 facility.
Bumili ang LGU ng apat na dialysis machines at karagdagang sampung mga kama para magamit ng 10 COVID-19 dialysis patients.