Muling binuksan ang Malacañang para sa ika-limang “Konsyerto sa Palasyo” kung saan kinilala ang kontribusyon ng mga pelikulang Pilipino nitong Linggo ng gabi.
Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos kasama ang anak na si Congressman Sandro Marcos ang konsiyerto.
Dinagsa ng mga magagaling at batikang artista ang Konsiyerto sa Palasyo tulad nina Tirso Cruz III, megastar Sharon Cuneta kasama ang asawang si dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan, Helen Gamboa, Boots Anson Roa, Chanda Romero, Maricel Soriano, Aga Muhlach, Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Lani Mercado, Hilda Koronel, Sylvia Sanchez, Senators Lito Lapid at Robin Padilla at maging si Vice Ganda
Present din ang mga batang mga artista tulad nina Francine Diaz, Seth Fedelin, Enrique Gil at Alexa Miro.
Kasama sa mga nagtanghal ay ang mga world-class performing artists na sina Dane Mercado, Molly Langley, Jon Joven, Gian Magdangal at Sindaw Philippines Performing Arts Guild.
Layunin ng aktibidad na maipakita at maipakilala sa Pilipino at sa buong mundo ang talento ng mga Pilipinong mang-aawit, mananayaw, at iba pang alagad ng sining ng pagtatanghal.