Ika-pitong sunod na oil price increase ngayong taon, sisipa bukas

May panibago na namang taas-presyo sa petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

 

Epektibo alas 6:00 ng umaga bukas, magpapatupad ng p0.65 na dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina at p0.10 sa diesel ang mga kumpanyang Shell, Petro Gazz, PTT Philippines, Eastern Petroleum at Unioil.

 

Habang may P0.10 din na dagdag-presyo ang Shell sa kerosene.


 

Ito na ang ika-pitong sunod na linggo na magpapatupad ng oil price increase.

 

Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na maraming refinery sa asya ang nagpatupad ng maintenance shutdown na nagresulta ng pagmahal ng imported na langis.

Facebook Comments